Dapat lamang asahan ang pagbubunyi ng mga kawani ng gobyerno at ng pribadong sektor sa pagtataas ng tax exemption sa tinatanggap nilang bonus. Ang hanggang P82,000 na bonus ay hindi na papatawan ng buwis. Dati, ang tax exemption ay ipinapataw lamang sa tinatanggap nilang P30,000 bonus.

Makatutulong nang malaki ang naturang biyaya na itinatadhana ng bagong batas na nilangdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III. Subalit maitatanong: Gaano kaya karami ang tumatanggap ng P82,000 bonus taun-taon? Hindi ba kakarampot lamang na bonus ang inuukol sa karaniwang manggagawa? At ito ay hirap na hirap pang ipagkaloob ng mga kapitalista, lalo na ang mga nagkukunwaring nalulugi sa negosyo. Ito ang dahilan ng pagdagsa ng mga reklamo na kung minsan ay humahantong sa pagwewelga ng labor force na masyadong nagpapasakit ng ulo ng pamunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Totoong may dapat ipagpasalamat ang mga kawani na makikinabang sa itinataas na tax exemption. Ngunit lalo silang masisiyahan kung paiigtingin ng mga mambabatas ang pagsusulong ng panukalang batas hinggil sa pagtataas ng sahod ng dehadong mga kawani. Hanggang ngayon, hindi man lamang nakauusad ang dagdag na P125 wage sa pribadong sektor. Lamang na lamang sa kanila ang mga kawani ng pamahalaan na nagkakaroon ng regular na salary increases at iba pang benepisyo.

Ang pinakamahalaga, kailangang lunasan ng gobyerno ang matinding problema sa kawalan ng trabaho. Taun-taon, lumolobo ang bilang ng mga “nagbibilang ng poste” sa pagsisikap na makahanap ng mapapasukan. Isipin na lamang na libu-libo ang mga nagtapos ng iba’t ibang kurso na nananatiling nakatunganga at walang ginagawa.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Kailangang pag-ibayuhn ng gobyerno, sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor, na makapagpatayo ng job-generating projects sa iba’t ibang larangan ng pagnenegosyo. Damayan natin ang katakut-takot na walang trabaho ngayon na sumisigaw ng “Paano naman kami?”.