KALIBO, Aklan – Handa ang pamahalaang bayan ng Numancia na maglaan ng P25,000 pabuya para sa ikadarakip ng suspek sa pagnanakaw at pananaksak sa isang maglola kamakailan.

Inilabas ang sketch ng suspek kasunod ng pananaksak sa isang maglola noong Pebrero 13 sa Numancia, Aklan.

Nakilala ang suspek, na kinilala lang sa alyas na “Bungal” o “Killer”, ng tatlong testigo sa insidente.

Para sa mga nakakaalam sa kinaroroonan ng suspek, tumawag o mag-text sa 0910-7606493 o sa (036)265 6167.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Piinag-iingat ng awtoridad ang publiko sa suspek, na itinuturing na armed and dangerous.

Naniniwala ang awtoridad na sangkot din ang suspek sa serye ng nakawan sa Aklan.