Pebrero 18, 1885 nang ilathala ni Mark Twain (1835-1910) ang world-renowned novel na “The Adventures of Huckleberry Finn,” tungkol sa isyu ng pang-aalipin at pamumuhay sa katimugang United States.

Sa nasabing nobela, nagtungo si Huck at ang kanyang kaibigan, ang tumakas na alipin na si Jim, sa Mississippi River. Inilarawan si Jim bilang “strong, brave, generous at wise,” habang ang ibang karakter na puti ay “violent, stupid, or selfish.”

Matapos ilabas ang nobela, inulan ito ng batikos. Ipinagbawal ito sa isang silid-aklatan sa Concord sa Massachusetts sapagkat ito umano ay may “poor quality” at ang istorya ay “ignorant.” Gayunman, pinuri ito ng ibang kritiko, kabilang na si Ernest Hemingway.

Unang ipinakilala si Huck Finn bilang isang bayani at matalik na kaibigan ni Tom Sawyer sa “The Adventures of Tom Sawyer,” noong 1876.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino