AMMAN (AFP)— Nagpadala ang Bahrain ng fighter jets sa Jordan upang suportahan ang US-led air campaign laban sa Islamic State (IS) group, sinabi ng information minister ng Jordan noong Lunes.

Nangyari ang hakbang isang linggo matapos magpadala ang United Arab Emirates ng F-16 squadron sa Jordan upang sumali sa air strikes laban sa jihadists na kumokontrol sa malaking bahagi ng Iraq at Syria.

“This move highlights the brotherly ties between Jordan and Bahrain, and comes in line with our belief in the importance of the war against terrorism,” ani Information Minister Mohammad al-Momani sa AFP.

“Jordan appreciates the support provided by Bahrain, as we also appreciate UAE support too.”
Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!