Inihahandog ng ABS-CBN Sports and Action, Kool Trip Productions at ng AMT Recreation Hauz at Marketing Services ang pinakabago at pinakaastig na trip sa telebisyon ang Kool Trip, Backpackers Edition.

Sa loob ng 30-minuto ay masasaksihan ang iba’t ibang destinasyon sa Pinas na magpapatunay na “It’s more fun in the Philippines”.

Samahan ang power trio hosts na sina 3rd District Negros Occidental Representative, House Committee on Housing and Urban Development Chairman Alfredo ‘Albee’ Benitez, model at beauty queen in the making na si Ms. Marjorie Cornillez at komedyanteng si Jayson Gainza sa kanilang paglilibot sa buong Pilipinas.

Isasama tayo ng Kool Trip sa isang masayang paglalakbay kasama si Congressman Albee na magbibigay kasagutan sa mahahalagang isyus, kabilang ang aspetong kultural at pangkasaysayan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sasamahan tayo ni Marjorie Cornillez na tikman ang mga authentic dishes at native delicacies na ipinagmamalaki ng bawat lugar sa Pinas.

Bubusugin naman tayo ni Star Magic funny man Jayson Gainza ng katatawanan at kakulitan kasama ang mga taong makakahalubilo nila sa kanilang paglalakbay. Malalaman din ang mga trivias ng mga bayan at lalawigang bibisitahin ng grupo.