Angelica Panganiban

ALIW na aliw kami sa panonood ng Banana Nite last Saturday dahil minsan pang ipinamalas ni Angelica Panganiban ang kanyang kakayahan na gayahin si Kris Aquino.

Riot sa katatawanan kapag ginagaya niya ang Queen of All Media.

Ang setting ay ang KrisTV at co-anchor niya si Darla Sauler. Ang unang bahagi ay interview kay Maricar Reyes-Poon na ang paksa ay marital life nila ni Richard.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang ikalawang bahagi ay devoted sa food trip na madalas itampok ni Kris sa kanyang morning show. Sa opening scene ay may kargang white poodle si Angelica as Krissy at may suot pa itong kuwintas. Tatlong exotic food ang ipinatikim sa kanila at isa na rito ang adobong uod na gumagalaw pa ang worms. Ang ending ay si Darla ang kumain nito. Ang huling putahe ay kapuna-puna na may puting balahibong nakadikit sa damit ng chef. Parang tocinong ‘di mawari ang putahe na as usual ay si Darla ang tumikim. Maya-maya pa ay may hinihilang tali na may kasamang pendant na iniluluwa si Darla and you know very well kung ano ang kanyang kinakain. Wala na ring hawak na aso si Krissy.

Kung bagamat sa uod nakatuon ang viewers ay feel na feel ni Angelica ang reaksiyon kung ang tunay na Kris ang mapapanood. Bawat galaw ni Kris, pagbigkas ng salitang “bongga” at facial expressions kapag nagtatanong ay gayang-gaya ni Angelica.

Marami na rin namang pilit na gumagaya kay Kris pero no one comes close to her than Angelica. Maging si Kris ay aminadong hanga sa kanya tulad ng paghanga rin niya kay Jason Gainza bilang Boy Abunda.

Isa lang ito sa portion ng Banana Nite na inaabangan ng marami. Sobrang nakakalibang kasi ang impersonation ni Angelica kay Kris. Tunay na hindi matatawaranan ang versatility ni Angelica both as an actress and comedienne.