Umabot na sa 75 ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP), kabilang si officer-in-charge Deputy Director Gen. Leonardo Espina, na may kapasidad na officer-in-charge lamang.

Iniulat ni Eduardo Escueta, vice chairman at executive officer ng National Police Commission (Napolcom), na batay sa isang dokumento na lumabas noong Pebrero 5, may 66 na posisyon sa PNP ang nasa acting capacity.

Sinabi ni Escueta na maaaring may kinalaman ito sa pagiging PNP officer-in-charge ni Espina.

Aniya, ang isang opisyal na nakaupo bilang OIC ay hindi maaaring magtalaga at magsibak ng opisyal at hindi rin puwedeng pumasok sa anumang transaksiyon sa pambansang pulisya.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Napag-alaman na ang nakaupo bilang acting officer ay may limitadong kapangyarihan lang, katulad ng full fledged na opisyal pero pansamantala lang sa inookupang puwesto.

Dahil dito, limang regional director pa rin ang nananatiling OIC at lima ang nasa acting capacity. Habang tatlo naman sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na district director ang nasa acting capacity, may 25 provincial director ang OIC at 20 ang nasa acting capacity.