Inaanyayahan ang mga naghahanap ng trabaho na may degrees at background sa engineering, banking at finance, marketing, education, nursing at graphic design na magtungo sa Manila Bulletin (MB) Classifieds Job Fair sa Pebrero 17-18 sa Trinoma Mall sa Quezon City.

Sinabi ni MB Vice President for Classified Ads Department Lyne Abanilla na ang ikaapat na bahagi ng serye ng mga job fair ay nag-aalok ng oportunidad sa propesyunal na trabaho, at may 36 na kumpanya ang makikibahagi.

“This time we have banks, construction firms, candle manufacturing companies, and even tutorial services on top of the BPO/KPO and manpower companies that have been supporting us regularly,” sabi ni Abanilla.

Kabilang sa mga trabahong iaalok sa dalawang-araw na job expo ang para sa mga mechanical, chemical, electrical at industrial engineer; mga SAP professional, Java developer at data analysts; desktop publishing specialists at graphic artists; nurse associates at registered nurse quality analysts; mga karpintero at upholsters; branch managers at administration assistants; at actuarial analysts at research writers.

ALAMIN: Pagbabago sa holiday schedule sa ilang public transportation sa Metro Manila

“This is very timely because we have new graduates who will look for their first jobs,” sabi ni Abanilla.

Nasa 16,000 aplikante ang nagtungo sa mga MB job fair noong 2014, na mahigit 1,600 ang nagkatrabaho. Inaasahan ni Abanilla na mauulit pa ang tagumpay na ito.