HANGANG-HANGA sa kabutihan ni Daniel Padilla si Lorna Tolentino. Kuwento ni Lorna sa prescon ng pelikulang Crazy Beautiful You na pinagbibidahan nina Daniel at Kathryn Bernardo, sobrang napakabait ng una.

Daniel PadillaSa shooting daw kasi ng naturang pelikula na kinunan sa mga tinitirahang lugar ng mga Aeta ay nasaksihan ni Lorna ang pakikipaghalubilo ni Daniel sa mga batang Aeta. 

In between takes daw ay nakikipaglaro at nakikipagkuwentuhan si Daniel sa mga bata. Ang lalong ikinahanga ni Lorna sa young actor ay ang pamimigay nito ng school supplies sa mga Aeta.

“Paano ka naman ‘di hahanga sa kanya, ‘di ba? Kumbaga, ginawa niya ‘yun na walang kamerang nakatutok sa totoo lang,” sabi ni LT. 

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Siyempre, aware naman ang mga taga-showbiz  na maraming mga artista ang talaga namang super press release everytime mamimigay ng regalo o ng kahit anong bagay sa mga kapuspalad nating mga kababayan ay talaga press with matching TV camera pa.

“Naramdaman ko ang pagiging matulungin niya at sana nga, eh, hindi siya magbabago,” dagdag pa ng premyadong aktres. 

Bukod kina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Lorna Tolentino ay kasama rin nila sa Crazy Beautiful You sina Gabby Concepcion, Iñigo Pascual at iba pa. Ipapalabas na ang naturang pelikula sa February 25. 

Samantala, muling nagpahayag si LT sa naturang prescon na hanggang ngayon ay wala pa ring kapalit si Daboy (Rudy Fernandez) sa puso niya.