Pebrero 15, 1686 nang ipalabas ang “Armide”—kilala bilang “the ladies’ opera”—ng kompositor na si Jean-Baptiste de Lully, sa Paris Opera sa France. Ang pinal na tragedie lyrique ng kanta na nakipagtulungan si Lully sa librettist na si Philippe Quinault, ay nakatuon sa psychological development ng isang karakter.

Sa nasabing palabas, na halaw sa “Gerusalemme Liberata” ni Torquato Tasso, nahulog ang loob ni Armide the Sorceress sa kanyang kaaway na si Crusader Renaud. Tampok sa istorya ang diyalogo ng mga diyosang sina Wisdom at Glory, na roon pinuri nila ang kanilang bayani. Habang nagpapatuloy ang eksena, nadismaya si Armide nang mabigo siyang mapasunod si Renaud. Sa huli, lumikas si Armide matapos sirain ng mga demonyo ang kanyang palasyo.

Naging matagumpay ang dula at nagtagal sa Paris Opera sa loob ng 78 taon. Gumamit si Lully ng contemporary French idioms sa kanyang mga palabas, ngunit nakilala siya sa kanyang mga orihinal na estilo. Pumanaw siya noong Marso 22, 1687.
National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA