PANIQUI, Tarlac - Nahaharap sa kasong pagnanakaw ang isang binatilyo na umano’y nagnakaw ng sasabunging manok sa Barangay Cayanga, Paniqui, Tarlac, noong Pebrero 13.

Ayon kay PO1 Clary Rirao, nagkakahalaga ng mahigit P5,000 ang tatlong sasabunging manok na ninakaw ng 14-anyos na lalaking taga-Barangay Samput, Paniqui, Tarlac.

Ang mga manok ay pag-aari ni Orlando Benito, 41, may asawa, ng Bgy. Cayanga, Paniqui, Tarlac.

Nabatid na nanakawan na rin noon si Benito ng dalawang sasabungin, bagamat nabawi ang mga ito sa Bgy. Poblacion Sur sa Paniqui.
National

VP Sara supporters, dumagsa sa Davao City para sa 'Inday Sara Duterte 2028 Movement' rally