BONGGA ang anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Ms. Tates Gana na si Harvey Bautista dahil magbibida na ito sa bagong kuwento ng Wansapanataym na puno ng magic at mahahalagang aral na mapapanood na bukas.

Harvey Bautista

Ang month-long special ng Wansapanataym na may titulong “Remote ni Eric”. Makakasama ni Harvey sina Joel Torre, Cherry Pie Picache, Sue Ramirez, Alex Diaz at Arjo Atayde mula sa panulat ni Benedict Migue at idinirek naman ni Erik Salud.

Ang Wansapanataym Presents Remote ay iikot sa kuwento ni Eric (Harvey), isang batang matigas ang ulo at ayaw makinig sa utos ng kanyang mga magulang. Unti-unting magbabago ang buhay niya nang pagkalooban siya ng mahiwagang remote control na makapagbibigay sa kanya ng kakayahang kontrolin ang mga tao sa paligid niya.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Matutuhan kaya ni Eric ang halaga ng pagsunod sa kanyang mga magulang kapag nalagay siya at ang kanyang pamilya sa panganib dahil sa paggamit niya ng mahiwagang remote control?

Huwag palampasin ang pinakabagong Wansapanataym special ngayong Linggo, 6:45 ng gabi, pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.