Naniniwala si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na hindi tunay na hangad ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang tunay na kapayapaan sa pagpasok nito sa peace negotiations kung hindi makakalap ng pondo mula sa kaban ng gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa mga nakapasa ng dentistry board sa Manila Hotel kamakalawa, sinabi ni Estrada na dapat maging maingat ang pamahalaang Aquino sa pakikitungo sa mga rebelde dahil ilang beses na rin na unsiyami ang usapang pangkapayapaaan sa ilang rebel group.

“Is their (MILF and other groups) agenda for lasting peace or an agenda to get a budget from the national government from which they can strengthen their forces?” tanong ni Estrada.

Bago siya napatalsik sa Malacañang noong 2001, naglunsad si Estrada ng all-out war laban sa MILF na nagresulta sa pagkakakubkob ng Camp Abubakar sa Maguindanao, kung saan matatagpuan ang punong tanggapan ng rebeldeng grupo, at 13 iba pa nitong kampo.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Iginiit ni Erap na all-out war lamang ang tanging solusyon upang maresolba ang kaguluhan sa Mindanao matapos pumalpak ang tangkang mapagtibay ang mga kasunduang kapayapaan sa iba’t ibang rebeldeng grupo sa katimugang bahagi ng bansa.

“When I was president, we pursued numerous peace talks which lapsed into a disgusting cycle of peace talk and ceasefire, which eventually resulted again in fighting. And if ever we are able to forge a Bangsamoro basic law or substate, or an autonomous territory with the MILF, we will again have to deal with the BIFF and other splinter groups that may rise, just like the MILF growing out from the MNLF?” pahayag ng dating aktor.

“I was roundly criticized for my all-out war policy when I was president. Let me emphasize that like everyone, my objective was peace – honorable and lasting peace – but on our terms,” dagdag niya.

Ayon kay Estrada, mistulang isang circus ang isinasagawang imbestigasyon ng iba’t ibang sangay ng gobyerno sa naganap na madugong bakbakan sa Mamasapano, Maguindanao kung saan 44 police commando ang napatay.