Ideneklara ng dalawang mahistrado ng Supreme Court (SC) na nilabag ng Ombudsman ang karapatan ni Sen. Jose “Jinggoy” Estrada sa due process nang ipag-utos nito ang paghahain ng graft at plunder case bagamat hindi inihahayag ang buong detalye ng alegasyon laban sa kanya at hindi rin binigyan ng pagkakataon upang ito ang sagutin ng mababatas.

Sa kanilang dissenting opinion, inirekomenda nina Justice Presbitero J. Velasco Jr. at Arturo D. Brion, na suspindehin ang proseso sa Sandiganbayan at muling imbestigahan ang mga reklamo na inihain ng Ombudsman laban kay Estrada.

Una nang ibinasura ng SC ang petisyon ni Estrada na kumukuwestiyon sa desisyon ng Ombudsman sa paghahain nito sa Sandiganbayan ng P183.7 milyong graft at plunder case na may kaugnayan sa kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sinabi ni SC Spokesman Atty. Theodore O. Te na ibinasura ng SC ang petition ni Estrada “for failure to obtain the required number of votes to grant the reliefs prayed for.”

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Subalit sinabi ni Te na binigyan ng SC si Estrada ng 15 araw upang magsumite ng motion for reconsideration hinggil sa desisyon na isinulat ni Senior Justice Antonio T. Carpio.