Pebrero 12, 1941 nang subukan ng penicillin developers na sina Ernst Chain and Howard Walter Florey ang bisa ng antibiotic sa mga tao, tinurukan ng 160 milligrams ang isang pasyente na si Albert Alexander, isang Oxford (sa England), isang pulis, na aksidenteng nasugatan ang mukha dahil sa mga tinik ng rosas. Bumuka ang kanyang mga sugat at dumaloy ang dugo at nakaramdam nang matinding sakit, hanggang sa nagkaroon ng impeksiyon ang kanyang mata, mukha at baga.

Ayon sa tagasuri ni Alexander, nakabuti sa kondisyon niya ang penicillin makalipas ang limang araw na pagtuturok. Sa kasamaang-palad, dahil sa limitado ang supply ng antibiotic, nahinto ang kanyang pagpapagaling, bumalik ang impeksiyon at siya ay pamanaw makalipas ang apat na linggo.

Sa kasagsagan ng World War II, nahirapan ang pharmaceutical companies na makagawa ng penicillin, na naging dahilan upang dagdagan ang antibiotic. Gayunman, napatunayang mabisa ang antibiotic sa paghihilom ng sugat ng mga tao.

National

Unemployment rate sa ‘Pinas, bumaba sa 3.9% – PSA