Sinabi ng Malacañang kahapon na hindi ito nababahala sa pahayag ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagdinig ng Senado na ang MILF ay nananatiling isang revolutionary organization hanggang sa maipatupad ang peace agreement.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr., ang mahalaga para sa gobyerno ay ang magtrabaho tungo sa implementasyon ng peace agreement.

“Ang mahalaga para sa pamahalaan ay ang pagpapatupad ng mga probisyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro,” aniya.

Ito, aniya, ay ipinamalas sa pagtulong ng grupo sa gobyerno sa operasyon laban kay Basit Usman gayundin sa pagtitiyak na mananagot ang mga responsable sa pagkamatay ng 44 commando ng Special Action Force.

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'