Minaliit ni Carina Dacer ang anak ng napatay na publicist na si Salvador “Bubby” Dacer, ang naging pahayag ni Cesar Mancao makaraang bumaligtad ang posisyon nito sa Dacer-Corbito double murder case.

Ayon kay Carina, gaano raw kasigurado na walang namimilit kay Mancao na bawiin ang naunang testimonya makaraang itong bumaligtad.

Ito at may kaugnayan sa ginawang pagdawit niya kina Senator Panfilo Lacson at Manila Mayor Joseph Estrada.

Sinabi ng anak ni Dacer,wala ring silbi ang kanyang mga pahayag walang makakamit na hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama at ng driver na si Emmanuel Corbito.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Naniniwala si Carina na ginagamit lamang ang kaso sa agenda ng ilang personalidad.

Dahil dito nanawagan siya sa media na huwag nang patulan ang mga pahayag ng nagtatagong si Mancao.

Ang napipintong paglutang ni Mancao ay nakatakdang gawin sa Philippine National Police (PNP) upang linisin sina Lacson at Estrada sa Dacer-Corbito Murder case.