GUIMBA, Nueva Ecija - Hindi na nagawang makadalo sa binyagan ang isang 47-anyos na driver/security aide nang pagbabarilin at mapatay siya ng mga armadong lalaki habang patungo siya sa isang binyagan sa Purok 7 sa Barangay San Roque, sa bayang ito.

Sa ulat kay Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang biktimang si John Gabat Magbitang, ng Bgy. Pacac, Guimba, na agad na namatay dahil sa maraming tama ng bala sa katawan.

Sa pagsisiyasat ni PO3 Joey Dela Cruz, tanghali noong Pebrero 8 at sakay si Magbitang sa kanyang motorsiklo nang tambangan siya ng mga armadong lalaki. Nagtamo siya ng 11 tama ng bala ng .45 caliber pistol.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20