DUMAGUETE CITY— Ilang dating cycling Tour champions ang sasabak ngayon sa tatlong yugto ng Visayas at Mindanao qualifying leg ng Ronda Pilipinas 2015 na iprinisinta ng LBC kung saan ay kakalapin ang susunod na national cycling heroes sa kapitolyo ng Negros Oriental.

Former Champion Irish Valenzuela shows his bike  yesterday after they had their practice for the elimination  on Feb 11, 2015. (Photo by Michael Varcas) ronda_dumaguete_04_varcas_110215Una na sa listahan ang tinanghal na 2013 Ronda Pilipinas champion na si Irish Valenzuela na muling ipamamalas ang angking kakayahan upang makamit ang mailap na titulo sa pinakamayaman at pinakamalaking karera, bukod pa na makuwalipika sa pag-aagawang championship round.

“We are still waiting for more entries Tuesday up to the last hour of Wednesday,” sinabi ni Ronda Executive Director Moe Chulani. 

“We just receive reports that bicycles are clogging our airport but we don’t know if that maybe from those that wanting to join us,” giit pa ni Chulani.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Ilan sa mga popular na siklista na nagpatala para sa tatlong araw na karera ay ang beteranong point racer na si Cris Joven, John Rene Mier, ang tatlong magkakapatid na Pagnanawon at mga miyembro ng 7-11 by RoadBike Philippines na nagpasabi ng kanilang biglaan desisyon na sumali sa karera.

Ipinarating din ni 2011 Ronda champion na si Santy Barnachea at kakamping si Lloyd Lucien Reynante na sasabak sila sa Luzon leg para sa natatanging karera sa bansa na suportado ng major sponsor na Manny V. Pangilinan Sports Foundation, Petron at Mitsubishi, kasama ang minor sponsors na Cannondale, Standard Insurance, Tech1 Corp., Maynilad at NLEX kung saan ay may basbas ito ng PhilCycling, sa pamumuno ni Cavite Congressman Abraham “Bambol” Tolentino, habang ang TV5 at DZSR Sports Radio ang tatayo bilang media partners. 

Matatandaan na nagwagi noong 2011 si Barnachea, 2012 si John Mark Lexer Galedo at 2013 si Valenzuela. Iniuwi naman ni Reimon Lapaza ang 2014 Ronda Pilipinas title.

Ipinaliwanag naman ni Ronda administrative director Jack Yabut na kabuuang 54 slots (50 elite at 4 junior riders) ang paglalabanan para makatuntong sa championship round na gaganapin sa Pebrero  22 hanggang 27 sa Greenfield City at magtatapos sa malamig na ituktok ng Baguio City.

Ang mga hindi makukuwalipika sa Vis-Min leg ay maari pa ring sumali sa dalawang yugto ng Luzon qualifier na gaganapin sa Pebrero 16-17 sa Tarlac at Antipolo City kung saan ay nakataya naman ang kabuuang 34 silya (30 elite at 4 juniors).  

“Ronda has produced a lot of elite cyclists through the years, most of them comprise our national team now,” ayon kay Chulani. “Hopefully, with a new format, we’ll have a better chance of discovering some talents from these qualifiers.” 

Ilan sa mga produkto ng Ronda na kasalukuyang miyembro ng pambansang koponan ay sina Southeast Asian Games gold medalist Mark Lexer Galedo, Ronald Oranza, Junrey Navarro, Rustom Lim at George Oconer Jr.

Sinabi ni Chulani na inaasahan nilang dadagsa pa ang mga lalahok sa isasagawang rehistrasyon bago magsimulan ang karera para sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Nabatid din magkakasukatan muna ng lakas sa Stage One na dadaan sa 172.7-km Dumaguete patungo sa Sipalay bago ang pinakamahirap na yugto na 157.8-km Bacolod Stage Two at ang halos patag na 120-km Bacolod patungo sa Cadiz sa Stage Three sa Biyernes.

Susunod na magtutungo ang Ronda sa Norte para sa dalawang yugto sa Luzon leg na 138.9-km Tarlac-to-Tarlac Stage One sa Pebrero 16 at ang 102.5-km Antipolo-to-Antipolo Stage Two sa Pebrero 17 kung saan ay pag-aagawan ang 34 silya (30 elite at 4 juniors).  

Ang makukuwalipikang 88 riders na mula sa Visayas at Luzon legs ay uusad sa tampok na kampeonato kung saan ay makakasama nila ang defending champion na si Lapaza ng Butuan, ang siyam-kataong national team at ang dayuhang European team na binubuo ng Danish riders.