Paris (AFP)– Tinulungan ng magkapatid na Serena at Venus Williams ang United States na makuha ang 4-1 pagwawagi laban sa Argentina sa Fed Cup kahapon.

Umabante ang Americans sa playoffs sa Abril at may tsansang makabalik sa World Group na bubuuin ng top eight teams.

Dinispatsa ni Venus Williams, ika-11 sa mundo, ang pag-asa ng Argentina na makabalik matapos niyang talunin si Maria Irigoyen, 6-1, 6-4.

Kinailangan lamang ni Williams ng 71 minuto upang kunin ang panalo sa fourth rubber. Bago ito, tinalo niya si Paula Ormaechea noong Sabado, 6-3, 6-2.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Sa kabilang dako, ang top-ranked na si Serena Williams, nagmula sa kanyang ika-19 Grand Slam singles title sa Australian Open, ay pinagpahinga dahil sa sakit noong Linggo, dahilan upang dfalhin ni Ormaechea ang Argentines sa panalo nang kanyang talunin ang substitute na si Coco Vandeweghe, 6-4, 6-4.

Ngunit tinalo ni Serena si Irigoyen 7-5, 6-0, upang buksan ng US ang kampanya sa pagkuha ng 2-0 abante sa opening day.

Maghihintay pa ang US bago malaman ang kanilang playoff opponents sa pagitan ng Italy, Australia, Canada at Poland.