Piolo Pascual

SAYANG at hindi namin nakausap si Piolo Pascual sa ginanap na ASAP 20 presscon para naklaro sana ang tsikang hindi niya natapos ang triathlon competition sa Melbourne, Australia noong Pebrero 1.

Kuwento sa amin ng isa sa mga sumali sa nasabing competition, “Hindi natapos ni Piolo kasi nagkaroon ng bike crash.”

Pinoy na nakatira na sa Australia ang nakapalitan namin ng text messages kaya nu’ng padalhan namin ng maraming tanong ay hindi kami nasasagot agad dahil ang alam namin ay dito sa Pilipinas nagkaroon ng bike crash si Piolo sanhi ng TVC shoot kaya marahil hindi niya nasipot ang sinasabing triathlon sa Melbourne.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tinext naman namin ang handler ni Piolo na si Ms. Lulu Romero na umaming nagpunta nga sila ng Australia, “Pero hindi para makipag-compete kundi para mag-show at saka January ‘yun, not February 1. Nandito si PJ ng February 1.”

Hanggang kahapon ay kinokontak pa namin ang nakausap namin sa Melbourne para maliwanagan ang isyu.