Marami na akong naringgan ng tanong na “Paano ako yayaman?” at naniniwala akong maraming maimumungkahi ang mga negosyante sa larangang ito. Nariyan ang huwag kang gumastos nang labis, mag-impok sa bangko, laging mag-invest. Di ba parang napakasimple lang? Ngunit ang kabaligtaran naman ang ginagawa ng mga nagtatanong – ang urong-sulong na pag-i-invest, gumagastos nang malaki, hindi nag-iimpok, at nananatiling ignorante sa kanilang pananalapi. Hindi kasi nila nauunawaan ng kanilang relasyon sa salapi. Ang unang hakbang, ayon sa mga dalubhasa, upang baguhin ang pag-uugali hinggil sa paghawak ng pera ay ang pag-aralang mabuti ang pagpasok at paglabas ng salapi. Alamin ang tunay na halaga ng iyong kinikita at ibawas doon ang lahat ng iyong bayarin sa loob ng isang buwan. Ang matitirang pera ay tatawagin nating “number”.

Kapag naisulat mo na ang iyong number, haharapin mo ang isa sa dalawang katotohanan: (1) Kung ang number mo ay positibo, binabati kita! – sapagkat isa ka sa kakaunting tao na maraming pumapasok na pera kaysa lumalabas. (2) Kung ang number mo ay negatibo, sorry na lang – tulad ng nakararaming tao na mas maraming pera ang lumalabas kaysa pumapasok (Aray ko!).

Ngunit ang good news, ano man ang itinuturo sa iyo ng iyong number sa iyong relasyon sa salapi, lagi kang may puwang upang mag-improve. Narito ang ilang pagkakamali sa pananalapi na ginagawa ng halos lahat sa atin, at kung paano ito itutuwid:

    National

    ‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

  • Nalulunod ka sa utang sa credit card. – Basahin mo ang malilinggit na letra ng iyong kasunduan sa credit card. Ang paggasta nang malaki ay parang sakit at ang utang sa credit card ay parang cancer. Noong unang matanggap mo ang credit card bill at hindi mo agad binayaran nang buo ang iyong pagkakautang, ito na ang unang financial cancer mo sa iyong buhay. Kapag sa susunod na pagkakataon na nakatanggap ka ng credit card bill, basahin mong mabuti ang detalye ng iyong pagkakautang. Ang mga credit card company ay nire-require ng batas na sabihin sa iyo kung ilang taon mo mababayaran ang iyong balanse kung ang minimum balance lang ang iyong babayaran sa bawat buwan. At kapag minimum balance lang ang iyong binabayaran, lumalaki ang utang mo dahil sa interest.

Sundan bukas.