Isang 32-anyos na lalaki ang nagpatiwakal sa pagbibigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Tondo, Maynila, noong Linggo ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Jeck Monteverde, binata, walang trabaho, ng 991 Interior 16, Hermosa Street, Tondo.

Batay sa inisyal na ulat ni Det. Charles John Duran, ng Manila Police District (MPD)-Homicide, dakong 7:30 ng gabi nang nadiskubre ni Rona Froa, 16, si Monteverde na wala nang buhay sa loob ng kuwarto nito.

Nabatid na sisingilin umano ni Froa si Monteverde sa bayad sa sabon na inutang nito ngunit walang nagbubukas sa kuwarto nito at nang sumilip sa butas ng bahay ay nakita ng dalagita si Monteverde na nakabigti ng lubid.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinasabing huling nakitang buhay ang biktima dakong 8:00 ng umaga noong Linggo nang manghingi ito ng mainit na tubig sa kalapit na tindahan.