Upang makabawas sa dami ng basurang itinatapon sa sanitary landfill, ang pamahalaang lungsod ng Marikina sa pamamagitan ng City Environmental Management Office (CEMO) ay nagtalaga ng dalawang food waste truck para umikot at mangolekta ng mga tira o patapong pagkain mula sa mga kainan sa lungsod.

Ang programa ay inisyatiba ng pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Del De Guzman upang mabawasan ang dami ng mga basurang dinadala sa sanitary landfills.

Nabatid na ang isang food waste truck ay may kakayahang kumolekta ng 500 kilo ng tirang pagkain at iba pang nabubulok gaya ng gulay at prutas na dinadala naman sa Materials Recovery Facility ng lungsod upang iproseso bilang pataba o organic fertilizer na gagamitin sa hardin sa park at paaralan.
National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS