ANG bagong reality show na Your Face Sounds Familiar pala ang papalit sa The Voice of the Philippines 2 dahil inihahanda pa ang second season ng The Voice Kids.

Franchise ulit ang Your Face Sounds Familiar mula sa Endemol na pawang celebrities lang ang contestant (hindi ordinaryong tao) na gagayahin ang lahat ng music icons, foreign o local singers.

Sabi ng aming source sa ABS-CBN, “Puro celebrities lang ang contestants, kung baga level-up lang ito ng Look-Alike segment ng Showtime. 

“Ang pagkakaiba lang, sa Showtime, kailangan ka-look-alike talaga, sa Your Face Sounds Familiar, maski hindi mo kamukha ang isang singer, magiging kamukha mo kasi dadaanin sa make-up. Kaya nga sounds familiar.”

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

Kakaiba nga at tiyak na magbubukas ito sa mga personalidad na hindi na aktibo sa kanilang karera.

Ano na ang mangyayari sa Pilipinas Got Talent at X Factor, hindi na ibabalik?

“’Yung PGT, alam ko ibabalik, kaso hindi ngayon kasi may Asia’s Got Talent at may representative ang Pilipinas doon, ang ABS-CBN ang nakabili ng TV rights, pero hindi naman sa Channel 2 ipalalabas, sa cable channel.

“Yung X-Factor, walang balita pa. As of now, itong Your Face Sounds Familiar ang pinagkakaabalahan at magpapa-audition naman na ‘yung Voice Kids season 2,” sagot ng aming espiya.

Bongga si KZ Tandingan dahil solo niya ang titulong X-Factor grand winner na talagang kakaiba nga siya literally and figuratively.

Tinanong namin kung sino ang host ng Your Face Sounds Familiar, “saka na,” mabilis na sagot sa amin.

‘Kainis, nambitin pa ang source namin, hmp!