Jam & Vice

NAIULAT sa TV Patrol ang kalagayan ni Jam Sebastian, ang YouTube sensation na nakikipaglaban sa cancer at nagpahayag ng kagustuhan na tapusin na ang kanyang paghihirap. Maraming tumugon ng pagkaawa dahil hinihiling nito sa pamilya na igawad sa kanya ang ‘mercy killing’.

Sa panayam kay Jam sa kanyang bedside, nabanggit niya ang wish na sana’y mabisita siya ng It’s Showtime host na si Vice Ganda, na kanyang iniidolo.

Nakarating ito kay Vice na agad-agad namang pumunta kay Jam nito lang Sabado.

‘Bakuna Eskwela’ program ng DOH, DepEd, aarangkada

Ayon kay Paolinne Michelle Liggayu, ang ka-tandem ni Jam sa ‘Jamich’, walang kasing-saya ang kanyang kasintahan sa pagbisita ni Vice.

Sa post ni Michelle sa kanyang social media account, nagkuwento rin siya tungkol sa pagkikita ng dalawa. 

“Nagkuwento siya kay Vice Ganda, eh, minsan lang siya makapagsalita nang matagal. Nakakatuwang makita siyang ganu’n. Super happy siya kanina.”

Nag-post din si Vice na, “He wished to see me again and so I visited him. Thank you so much, Lord for allowing me to touch someone’s life today.”

“And also for allowing me to be touched by someone’s journey. Keep the faith, Jam. Miracles happen everyday. God bless you!”

Mag-iisang taon nang nakikipaglaban sa  cancer si Jam at mismong ang brother niyang si Yexel ang nag-reveal sa kagustuhan niyang tapusin na ang kanyang paghihirap. 

“Nagkaroon siya ng ganoong text sa amin, na sabi niya i-consider ‘yung mercy killing kasi nahihirapan na daw talaga siya,” pahayag ni Yexel sa panayam sa kanya ng Startalk.

“Mayroon palang ganitong klase ng buhay na hindi mo alam kung anong dasal ang idadasal mo sa panahong ito,” dagdag pa ni Yexel.