May malaking oportunidad ngayon ang mga Pilipinong nurse na nais magtrabaho sa ibang bansa dahil may pangangailangan ngayon ang ilang ospital sa United Kingdom.

Ito ay matapos matanggap ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang ulat mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa London na nangangailangan ang bansa ng mga Pinoy nurse.

“This after two UK-based foreign placement agencies acting on behalf of three National Health Service (NHS) Trusts submitted for verification of the Philippine Overseas Labor Office job orders for a total of 220 nurses this January 2015,” pahayag ni Baldoz.

Sa ulat na ipinarating sa kalihim, ang mga nurse na kakailanganin ay mula sa larangan ng cardiology, critical care, cardiac surgery, cardio thoracic, coronary care at catheter lab, at theater practitioners na may taunang sahod na £21,478 hanggang £27,901.

Metro

Doktor, patay nang tikman umano ang inuming ipinadala ng pasyente

Ang UK-based foreign placement agencies ay ang Search Recruitment Limited at Placement Group UK Limited.

Nabatid na plano ng Search Recruitment Ltd. na magpadala ng 60 nurse sa Queen Elizabeth Hospital NHS at 60 nurse sa James Paget University Hospital NHS. Ang manpower requirements ng dalawang ospital ay nanggaling sa Greenfields International Manpower Services sa Pilipinas.

Gayunman, ang Placement Group UK Limited ay magpapadala ng 100 nurse sa Barts Health NHS, katuwang ang recruitment agency na Alliance International Recruitment & Placement Services, Inc. na nasa Pilipinas.

“The demand for Filipino nurses is expected to continue in the following months, given that most UK employers prefer to source nurses from the Philippines,” ayon pa sa opisyal.