Anjo Yllana

HINDI lang si President Mayor Joseph Estrada ang humingi ng sorry kay Kris Aquino dahil sa post ng anak nitong si Maria Jerika Ejercito laban sa TV host dahil sumunod na rin si Quezon City Councilor Anjo Yllana tungkol naman sa matapang na post ng kapatid nitong si Jomari Yllana laban kay Presidente Noynoy Aquino.

Kay Quezon City Mayor Herbert Bautista muna nag-text si Anjo na ipinasa naman ni Bistek kay Kris.

Ang nilalaman ng mensahe: “Bernadette (tawag ni Herbert kay Kris), from Coun. Anjo Yllana-Mayor ‘pag nakausap mo Kris, pakisabi pasensiya na kay Jom, napagalitan ko na din. ‘Pag nakausap mo lang, Boss hehehe. Thanks. Good day!”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabanggit din sa amin ng Queen of All Media na personal ding nag-text sa kanya si Anjo, “Truth is I always cared for you. Thank you, Mare. If there’s anything… sorry and kaya n’yo ‘yan.”

Ayon kay Kris ay gumaan na ang pakiramdam niya ngayon dahil bukod kay Mayor Erap na tumawag sa kanya ay okay na sila nina Judy Ann Santos, Ogie Alcasid, Regine Velasquez at huli na nga si Anjo para kay Jomari.

Masaya na raw niyang isi-celebrate ang nalalapit niyang kaarawan, sa Pebrero 14, at humingi raw siya ng bakasyon sa ABS-CBN dahil pupunta silang mag-iina sa Japan.

Hmmm, ano bang mayroon sa Japan at ito ang paboritong puntahan ng mag-iinang Kris, Josh at Bimby?

“The food, the weather, the tamang distance lang, the people and happy place NAMIN ng two boys,” sabi sa amin ng Kris TV/Aquino & Abunda Tonight host.

Ano naman ang wish ni Kris sa kanyang ika-44 na kaarawan?

“Sa Mom ko kasi basta birthday, dapat ‘yung nagbi-birthday happy.  So sana matapos na lahat ng problema, mahuli lahat ng kailangang managot and si PNoy maging happy.

“For myself, Regg, na lahat ng nagpakita ng kabutihan sa akin when I needed the love and strength, sana God will make them happy and blessed.”

At least happy na siya, di ba, Bossing DMB?

(Everybody deserves to be happy, lalo na ang hard workers na tulad ni Kris.—DMB)