Lindsay Lohan

NEW YORK (Reuters) -- Idinemanda ng aktres na si Lindsay Lohan at ng kanyang ina na si Dina ang Fox News Network, TV host na si Sean Hannity at ang commentator na si Michelle Fields matapos ipahiya si Lohan sa pamamagitan ng komento na nag-aakusa sa mag-ina na sila ay “doing cocaine”.

Base sa reklamong inihain ng mag-ina sa New York state court sa Manhattan, nagbigay ng komento si Fields sa show ni Hannity noong Pebrero 4, 2014, dalawang araw matapos pumanaw ng Oscar-winning actor na si Philip Seymour Hoffman dahil sa nasobrahan sa droga.

Nagbigay komento si Fields sa isang segment ng palabas nang mnpag-usapan ng mga bisita ang artista katulad nina Whitney Houston, Elvis Presley at Amy Winehouse, na pawang namatay na may kaugnayan sa paggamit ng droga, batay sa reklamo.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Sinabi ng mag-ina na idineklara ni Fields na “matter of fact” na silang dalawa ay gumamit ng cocaine at ang komento at tema ng palabas ay “totally irresponsible and malicious innuendo” sa pagbibigay ng suhestiyon na si Lindsay, 28 ay maaaring sumunod sa mga artistang nasa “obituary list.”

Sumagot sa isinampang reklamo ang Fox News, isang unit ng Twenty-First Century Fox Inc. at sinabing: “Our legal team has not reviewed this yet so we cannot comment.”

Matatandaang naging bida si Lindsay sa ilang pelikula tulad ngThe Parent Trap noong 1998 at Mean Girls noong 2004. Ngunit nitong mga nakaraang taon ay nasangkot siya sa mga kaguluhan o hindi kaya naman ay nasa pagamutan.

Ayon naman sa abogado ng mag-ina na si Mark Heller, kinakailangang humingi ng tawad si Fields o ‘di kaya ay bawiin ang mga naging komento.

“People should be able to feel that if they hear something on TV or read something in the media, it should be truthful,” pahayag niya sa isang panayam. “Lindsay Lohan is on the way toward restoring her career and getting back on track, and something like this can be very fragile and hurtful to her.”