Ginilitan at sinakal ang dalawang magkapatid na umano’y pinatay ng sariling ina marakaang sumpungin ng topak sa Barangay Hipgos, Lambunao, Iloilo, noong Martes ng umaga.

Matapos isinagawa ang krimen nagtangka rin magpakamatay ang suspek nang datnan ng asawa sa pamamagitan ng pagbibigti.

Sa imbestigasyon ng Lambunao Municipal Police Station (LMPS), dinatnan na lamang ni Renante Lasanas na patay na ang dalawa niyang anak na hindi na kinilala ng pulisya.

Duguan ang 8-taong gulang na anak na babae makaraang laslasin ang lalamunan habang sinakal naman ang lalaking anak ng sariling ina.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nabawi sa pinangyarihan ng krimen ang isang karit na pinaniniwalaang ginamit ng suspek sa pagpatay sa anak na babae.

Ayon kay Lasanas, maayos naman ang kanilang relasyon bilang mag-asawa sa kabila nang pagkakaranas ng nervous breakdown ng ginang.

Sinabi ng pulisya ginagamot sa ospital ang asawa at pinaniniwalaang inatake ng pagkabaliw ng isagawa ang krimen.