Justin Timberlake

NEW YORK (AP) - Nagdiwang kamakailan ng kaarawan ang singer/actor na si Justin Timberlake, ngunit mayroon pa siyang isang inaabangang kaarawan -- ang kanyang paparating na baby.

Ibinahagi ni Timberlake ang isang litrato ng isang maumbok na tiyan -- na inaasahang ito ay tiyan ng kanyang asawa na si Jessica Bieln-- sa Instagram noong Sabado, ang kanyang ika-34 na kaarawan. Sinabi niyang natanggap na niya ang pinakamahalagang regalo ngayong taon at dinugtungan ng salitang: “CAN’T WAIT.”

Hindi pa nakukumpirma ang kasarian ng baby; nagbiro ang aktor na silang mag-asawa ay nagpupustahan sa kung ano ang magiging kasarian ng kanilang anak.

Matatandaang pinakasalan ng Grammy-winner si Biel noong 2012. Ito ang una nilang anak. Isang linggo nang kumakalat ang usap-usapan na nagdadalantao si Biel, ngunit naging kumpirmado lamang ito nang ibahagi ni Timberlake sa publiko ang nasabing larawan.

National

Suspek sa genocide na nililitis sa international court sa The Hague, patay na!