Isang 23-anyos na dalaga ang nabiktima ng hipnotismo at natangayan ng pera at mga gadget sa Pasay City noong Martes ng umaga.

Batay sa reklamo ng biktimang si Juliet Milan, residente ng San Blas, Villasis, Pangasinan, naganap ang insidente dakong 7:00 ng umaga sa Harrison Plaza, Harrison St., Pasay City. Nag-a-apply siya ng trabaho nang lapitan ng isang babae na nakipag-kaibigan sa kanya at agad niyang nakapalagayang-loob

Nang magpunta ang biktima sa palikuran, inihabilin niya saglit ang kanyang backpack na naglalaman ng tablet, cellphone, IDs, ATM card at P1,500 cash sa suspek ngunit pagbalik niya ay wala na ang kanyang bag at ang babae.

Ayon kay SPO2 Maximo Bustamante, ng Police Community Precinct (PCP-2) Pasay City Police, posibleng ginamitan ng hipnotismo ng suspek ang dalaga dahilan upang malito ito at ipagkatiwala ang kanyang gamit.
National

Amihan, shear line, ITCZ, patuloy na magpapaulan sa PH