LIAN, Batangas – May tama ng bala sa ulo at likod ang bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa kanal na nasa gilid ng kalsada ng Barangay Putingkahoy, Lian, Batangas.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 9:30 ng umaga noong Pebrero 3 nang matagpuan ni Lian Councilor Roland Magyaya ang bangkay.

Patungo umano sa Lian proper si Magyaya sakay sa kanyang sasakyan nang matagpuan ang bangkay na nasa 25-30, 5”3’-5”4’ ang taas, balingkinitan, mahaba at tuwid ang buhok at may balbas.

Nakasuot pa umano ang bangkay ng gray na T-shirt, itim na slacks at walang sapin sa paa.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20