Sam Milby

LUMIPAD pala patungong Los Angeles, USA si Sam Milby kasama ang manager niyang si Erickson Raymundo noong Pebrero 1 dahil may commitment doon ang aktor.

Matagal na ang commitment na ito ni Sam na hindi niya puwedeng hindi siputin kaya pansamantalang nahinto muna ang shooting ng pelikula nila ni Coleen Garcia na Ex With Benefits sa Star Cinema.

Medyo matagal na mawawala si Sam dahil gusto muna niyang magbakasyon at bisitahin ang mga kaanak na matagal na niyang hindi nakikita.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hmmm, how true naman ang sitsit ng spy namin na may dadalawin si Sam na special friend na naka-base ngayon sa LA?

Hindi na muna namin babanggitin kung sino ang girl dahil baka maunsiyami, pero kilala ng fans ang special friend niyang ito dahil madalas ito rati sa Pilipinas.