SIMULA nang inilunsad noong 2012, tuluy-tuloy ang Kapuso Souvenir Store o mas kilala bilang ‘GMA Fiesta’ sa paghahatid ng Kapuso experience sa iba’t ibang bahagi ng Luzon sa pamamagitan ng GMA souvenirs at collectible items.

Sa pangunguna ng GMA Viewer-Directed Marketing Division, ang kakaibang proyektong ito ay isang sasakyan na nagsisilbi ring souvenir shop.

Mula sa mga payong at jacket tuwing tag-ulan hanggang sa mga sumbrero at pamaypay tuwing tag-init, may sari-saring paninda ang ‘Fiesta’ para sa iba’t-ibang okasyon.

Mayroon din silang statement t-shirts gamit ang mga sikat na tag line at values ng GMA Network pati na rin ang mga kilalang programa ng network.

National

SP Chiz, dinepensahan mga umano'y 'blank items' sa GAA: 'Kasinungalingan iyon'

Para maabot ang mas maraming manonood, tumungo ang ‘Fiesta’ sa mga probinsya sa Norte tulad ng Tarlac, Pangasinan, Baguio, La Union, Vigan, Laoag at Pagudpud noong 2013.

Matapos ang matagumpay na biyahe, inilunsad naman ang CALABARZON Caravan noong 2014 kaya naglibot ang ‘Fiesta’ sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Bumibisita rin sa iba’t ibang regional festivals ang Kapuso Souvenir Store tulad ng Bangus Festival sa Dagupan, Bangkero Festival sa Pagsanjan, Obando Festival sa Bulacan, Panagbenga Festival sa Baguio, Peñafrancia Festival sa Naga, Pistay Dayat sa Lingayen at Sublian Festival sa Batangas.

Pumupunta rin ang ‘Fiesta’ sa mga paaralan at mga bazaar.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Fiesta, bumisita lamang sa website, https://www.facebook.com/FIESTAGMA