“Ibalik n’yo ang aming mga baril”, ito apela kahapon ni Philippine National Police(PNP) Officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na kinuha mula sa napatay na 44 na PNP-Special Action Force (SAF) member sa engkuwentro naganap noong Enero 25 na kinasasangkutan din ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ang apela ni Espina ay ginawa kasunod sa report na ibinebenta na umano ng mga rebeldeng sesesyunista ang ilang mga baril na tinangay mula sa napaslang na 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNPSAF) sa bakbakan.

Sinabi ni Espina, may kasunduan na dapat pairalin ang MILF kaugnay sa isinusulong na usapang pangkapayapaan.

Ayon pa sa opisyal, naghahanda na rin sila ng sulat na ipapadala sa MILF upang hilingin na ibalik ang mga baril na tinangay ng kanilang mga miyembro matapos ang engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Samantala, naglagay ng checkpoint ang 6th Infantry Division mula sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao patungong Tacurong bilang bahagi ng paghihigpit ng seguridad sa lugar bunsod ng madugong insidente.

Nakarating sa impormasyon na idinadaan dito ang mga armas na nakuha ng mga rebelde mula sa 44 napatay na pulis.