SAN FRANCISCO (AP) – Umabot sa korte ang namamagitang gulo sa mga anak at asawa ng pumanaw na komedyante na si Robin Williams dahil sa mga naiwanan niyang ari-arian.

Base sa papeles na isinumite noong Disyembre sa San Francisco Superior Court, inakusahan ng kanyang asawang si Susan ang mga anak ni Williams sa dating asawa sa pag-angkin ng ilang gamit nang walang paalam.

Sumagot naman ang mga anak ng aktor na sina Zachary, Zelda at Cody, na si Susan ay “adding insult to a terrible injury” sa pamamagitan ng pagbago sa kasunduan.

”The Williams’ children are heartbroken that Petitioner, Mr. Williams’ wife of less than three years, has acted against his wishes by challenging the plans he so carefully made for his estate,’’ sabi ng abogado ng mga bata.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Ayon naman sa abogado ni Susan na si James Wagstaffe, ang kanyang kliyente ay humihimgi lamang ng gabay mula sa korte hinggil sa kahulugan ng mga kasunduan.

“This is not ugly,’’ pahayag ni Wagstaffe. “I would not say this is anticipated to be a highly contested proceeding.’’

Matatandaang pumanaw si Williams noong Agosto sa kanyang Tiburon home.

Ayon kay Susan, ang aktor/komedyante ay dumanas ng depresyon, anxiety at Parkinson’s disease.

Sumailalim si Williams sa substance abuse program bago ito pumanaw. Ayon sa ulat ng coroner, sinabi ni Susan sa isang imbestigador na hindi pumunta roon si Williams dahil sa drug or alcohol abuse, kundi para ulitin ang paggamot.

Base sa dokumento sa korte, ipinagkaloob ni Williams sa kanyang mga anak ang ilan sa kanyang mga memorabilya, parangal sa entertainment industry at iba pang personal na gamit. Sinabi ito ni Susan dahil nais niyang manatili sa Tiburon home.

“Any other interpretation would lead to Mrs. Williams’ home being stripped while Mrs. Williams still lives there,’’ ayon sa sulat ng kanyang abogado.

Hindi ito sinang-ayunan ng mga bata, at sinabing walang limitasyon ang lokasyon ng mga gamit ng aktor.