BANGKOK (Reuters)— Iniutos ni Thai Prime Minister Prayuth Chan-ocha ang paghihigpit sa seguridad sa Bangkok matapos gambalain ng dalawang maliliit na bomba ang isang luxury shopping mall na nagtaas ng tensiyon sa lungsod sa ilalim ng martial law simula ng kudeta noong Mayo.
Dalawang tao ang nasugatan sa mga pagsabog noong Linggo ng gabi. Ito ang unang bumulabog sa kabisera simula nang agawin ng militar ang kapangyariham para wakasan ang ilang buwang madudugong protesta sa lansangan.
“I have ordered security to be tightened because this case involves the well-being of the people,” wika ni Prayuth sa mga mamamahayag.