Hindi na sususpendihin ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Pebrero ang voters’ registration para sa eleksiyon sa 2016.

Ayon kay outgoing Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., binabawi na ng poll body ang resolusyon dahil sa posibilidad na hindi matuloy ang Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Paliwanag niya, halos sigurado na ang Comelec na maipagpapaliban ang SK elections at nakatanggap na rin sila ng impormasyon na papaboran at lalagdaan na ito ni Pangulong Benigno S. Aquino III.

Matatandaang nagpalabas ang Comelec en banc ng Resolution 9905 na nagsususpinde sa voters’ registration sa Pebrero 1-28 upang bigyang-daan ang pagdaraos ng SK polls sa Pebrero 21.
National

Espiritu kay VP Sara: ‘Yung tatay mo mamamatay-tao, si Ninoy lumaban para sa karapatang pantao!’