Malayo na ang narating ng Pilipinas sa pagresolba sa mga paglabag sa karapatang pantao sa bansa, ayon sa Malacañang.
Bilang reaksiyon sa ulat ng Human Rights Watch 2015 na nagsasabing nananatiling kulelat ang gobyerno, batay sa kabuuang record nito, sa pagresolba sa matitinding paglabag sa mga karapatang pantao sa kabila ng ilang inisyatiba, sinabi ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. na patuloy na nagsisikap ang gobyerno sa pagpapatatag sa mga institusyon ng pamahalaan para itaguyod ang mga karapatang pantao sa bansa.
Tinukoy pa ni Coloma ang pagkakatatag kamakailan ng Aquino-Diokno Shrine for Human Rights sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija.
“Although the number of cases of extrajudicial killings, torture, and enforced disappearances by state security forces has declined in the last four years, such abuses regularly occur,” saad sa report ng Human Rights Watch.