Nagpatupad ng price increase sa liquefied petroleum gas (LPG) ang Petron kahapon ng madaling araw.

Epektibo 12:01 ng madaling araw nang magtaas ang Petron ng 70 sentimos sa presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas katumbas ng P7.70 na dagdag sa bawat 11-kilogram na tangke ng LPG.

Bukod pa rito ang dagdag na 40 sentimos sa presyo ng kada litro ng auto-LPG.

Asahan ng consumer ang pagsunod ng ibang kumpanya sa ipinatupad na dagdag-presyo sa cooking gas kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

National

CHIZmis lang daw? Pagkalas sa liderato ni SP Chiz, itinanggi ng ilang senador

Ang price adjustment ay bunsod ng pagtaas ng presyuhan ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan na umapela pa ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga panadero sa bansa upang magbaba ng presyo sa kanilang tinapay dahil sa bumababang presyo ng LPG.

Dahil sa bagong price hike sa LPG, posibleng hindi na mapagbigyan ng ilang manufacturer ang hiling ng DTI na mas ibaba pa ang presyo ng bilihin sa pamilihan na unang ginamit ng kagawaran sa pagpapatupad ng price rollback ng mga produktong petrolyo simula noong Disyembre 2014.