CAMP BANCASI, Butuan City – Hindi matiyak na bilang ng mga rebelde ang pinaniniwalaang nasugatan o nasawi sa matinding sagupaan ng militar at ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao, iniulat kahapon.
Sa isang pahayag na tinanggap ng may akda mula sa Armed Forces of the Philippines-Eastern Mindanao Command (AFP-EastMinCom), sumiklab ang matinding engkuwentro sa kalapit na hangganan ng mga rehiyon ng Northeastern, Northern at Southern Mindanao, partikular sa Kilometer 30 sa Barangay Dagohoy sa Talaingod, Davao del Norte.
Ayon sa report, nangyari ang sagupaan dakong 11:30 ng umaga noong Sabado.
Batay sa paunang report, nakaengkuwentro ng tropa mula sa 68th Infantry Battalion (68th IB) ng Philippine Army ang mahigit 30 miyembro ng Front Committee 55 ng CPP-NPA Southern Mindanao Regional Committee (SMRC).