BOSTON (AP)– Halos hindi na ikinagulat ni Hassan Whiteside nang magdisenyo si Miami coach Erik Spoelstra ng play para sa kanya sa huling bahagi ng third quarter sa isang dikdikang labanan.
Ngunit nagulat siya nang ito na ang palaging ginagawa ni Spoelstra.
Itinala ni Whiteside ang kalahati ng kanyang 20 puntos sa isang dominanteng stretch sa ikatlo at ikaapat na yugto upang tulungan ang Miami Heat na mapigilan ang Boston at putulin ang kanilang two-game slide sa pagkuha ng 83-75 panalo kontra sa Celtics kahapon.
‘’He drew up a play and I scored on it, he just kept drawing them up,’’ sinabi ni Whiteside, may 10-for-17 mula sa field kasama ang 9 rebounds at 3 shot blocks. ‘’I really think he started believing I can make plays down there.’’
Nagdagdag si Chris Bosh ng 18 puntos habang 13 ang nagmula kay Tyler Johnson upang makatulong na punuan ang pagkawala nina Dwyane Wade at Luol Deng.
Ito ang ikalawang sunod na laro na wala si Wade dahil sa strainged right hamstring, habang ikatlong sunod na laban na lumiban naman si Deng dahil sa strained calf. Si Wade, na na-injure sa kanilang pagkatalo sa Milwaukee noong isang linggo, ay may average na 21.4 puntos at 5.4 assists kada laro.
Pinunan naman ni Whiteside ang mga pagkukulang, at hindi lamang si Spoelstra ang kanyang tagasuporta.
Magandang kuwento ang nangyari para sa dating castoff na pumirma sa Heat noong Nobyembre matapos maglaro sa Lebanon at China noong isang taon.
‘’He continues to surprise me,’’ ani Bosh. ‘’He’s a talented young fellow. We want to continue to push him and encourage him to play and do well.’’
Pinangunahan nina Aveyr Bradley at Tyler Zeller ang Celtics sa kanilang tig-17 puntos habang 15 naman ang ibinigay ni Brandon Bass. Ito ang ikatlong sunod na talo ng Boston at ikaapat sa kanilang huling limang laban.
‘’We’ve got to do a better job of finding our pulse at the defensive end regardless of whether the ball is going in the basket or not,’’ lahad ni Boston coach Brad Stevens. ‘’When you miss the number of shots that we missed, I thought we let that affect how much we talked defensively. I could hear the silence and that’s a bad thing.’’
Ang biglang umangat na 7-foot sensation ay tahimik sa unang dalawa’t kalahating quarter bago nagbalik sa porma ang sentro na nagtala ng averages na 15.3 puntos at 17.7 rebounds sa kanyang huling tatlong laro na kinabilangan ng 14 puntos, 13 rebounds at franchise-record na 12 blocks noong Linggo.
Matapos mabura ng Boston ang 12 puntos na depisito at maitabla ang iskor sa 55, may tatlong minuto pang natitira sa ikatlong yugto, inatake na ni Whiteside ang mga batang manlalaro ng Celtics.
Naitala niya ang huling 4 puntos ng Miami sa third quarter at binuksan ang huling yugto sa pamamagitan ng pagkuha ng 6 sunod na puntos, kabilang ang isang pares ng long jumper na nagbalik sa 8 puntos na abante ng Heat.
‘’I hadn’t seen him do that yet,’’ sabi ni Bosh. ‘’I don’t think he’s seen him do that yet. It was a nice move.’’
Wala namang nakitang masama si Spoelstra sa desisyon ng kanyang big man na tumira mula sa perimeter.
‘’If he’s wide open and they’re disrespecting him and it comes within the flow of what we do, I’m fine with that,’’ aniya.