Dalawang uri ng mansanas ang ipinababawi ng Department of Trade and Industry (DTI) sa merkado dahil kontaminado umano ang mga ito ng delikadong mikrobyo.
Sa inilabas na abiso at babala ng DTI, pinag-iingat ng kagawaran ang publiko sa pagkain ng Granny Smith at Galas apples dahil nagtataglay umano ang mga ito ng mapanganib na bacteria, gaya ng listeria, na pinagmumulan ng pagkalason sa pagkain, batay sa pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA).
Maaaring makontamina ng bacteria ang ibang pagkain kapag inilagay sa loob ng refrigerator ang nasabing mansanas.
Kabilang sa mga sakit na maaaring makuha sa nasabing bacteria ang meningitis, meningo encephalitis, brain abscess at cancer.