Val Kilmer

INIULAT ng TMZ ngayong linggo ang pagkakaospital ni Val Kilmer dahil sa pagdurugo ng kanyang lalamunan. Ayon sa mga source ng website, ang 55 na taong gulang na aktor ay isinugod sa ospital mula sa kanyang bahay sa Malibu, California, noong Enero 26. Tumawag ang kanyang pamilya sa 911.

Ang bida sa Batman Forever ay isinugod sa UCLA Medical Center sa Santa Monica, kung saan nagsagawa ang mga doktor ng operasyon sa hinihinalang throat tumor. Ngayon ay nagpapagaling na ang aktor.

Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang tagapagsalita ni Kilmer makaraang humingi ng komento ang The Huffington Post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Wala pa namang inilalabas na resulta ang mga doktor; ngunit, pinapanatili ni Val Kilmer na natatakpan ng panyo ang kanyang leeg habang nasa public outings nitong mga nakaraang araw.