Isang Linggo sa malapit na hinaharap, sa Mayo marahil, aakyat ng ring ang ating boxing superstar na si Manny Pacquiao upang harapin ang American superstar na si Floyd Mayweather sa isang labanang aani para sa kanila at kanilang kampo ng mahigit $250 milyon.

Sa loob ng maraming toan, sumikat si Pacquiao sa daigdig ng boxing, nagtamo ng championship titles sa walong dibisyon, kaya ngayon taglay na niya ang record na 57 panalo, limang talo, at dalawang draw. Sa panahon ding iyon, lumaban si Mayweather sa 47 professional fight at nananatiling walang talo. Nilabanan at tinalo ng dalawa ang maraming common na kalaban, ngunit hindi kailanman naglaban sapagkat sinisisi ng kanilang kampo ang isa’t isa.

Matagal nang itinuturing ni Mayweather si Pacquaio na nasa ilalim ng kanyang level. Naglagay din siya ng mga hadlang sa daan patungo sa laban, kabilang ang hindi balanseng hatian sa kikitain na pabor sa kanya. Paulit-ulit din niyang sinisisi ang Hall of Fame promoter na si Bob Arum dahil sa kabiguan nitong magpatupad ng kasunduan. Sa kampo ng Pinoy champion naman, sinabing nangangamba si Mayweather na ipagsapalaran ang kanyang unbeaten record kontra Pacquiao. “He doesn’t want to fight southpaws… He is afraid to lose,” Arum said. Matapos ang hindi balanseng desisyon sa pagkapanalo niya kay unbeaten Chris Algieri sa Macau noong Nobyembre, muli na naman nagpahayag ang Pinoy fighter ng paghamon kay Mayweather, na tumugon sa pagbibigay ng tiyak na petsa – Mayo 2. At pagkatapos, sinundan ito ng matagal na panahon ng pananahimik at kawalan ng pagpapasya – hanggang nitong nakaraang linggo nang magkita ang dalawang tanyag na fighter nang hindi sinasadya habang nanonood ng laro ng Miami Heat sa Florida. Sa harap ng manonood ng buong sports world, sa wakas nagkita rin ang dalawa, hindi sa boxing ring kundi sa tabi ng basketball court habang may laro, nagkamayan, at nagbigayan ng phone number. Kalaunan, nang gabing iyon, nagkita uli sila at iniulat na nagkasundo na aayusin ang laban ang “boksingero sa boksingero”.

Ang personal contact ay maaating ang huling susi sa mega-fight na matagal nang pinakahihintay ng boxing world. Una nang sinabi ni Mayweather na pabor siya sa laban sa Mayo 2 – Sabado ng gabi sa Las Vegas, Linggo ng umaga sa Maynila.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

Kung maghaharap nga sila, ito na ang magiging pinakamalaking laban sa kasaysayan, na daig pa ang heavyweight na laban ni Muhammad Ali kay Joe Frazier sa Thrilla ni Manila noong 1975.

Kung darating ang araw na iyon, hihinto na naman sa pag-inog ang Pilipinas; lagi naman sa tuwing makikipaglaban si Pacquiao, ngunit lalo na sa pagkakataong ito. Milyun-milyon pa ang manonood ng laban sa telebisyon sa Amerika at sa buong mundo. Ito ang magiging pinakamayamang laban sa kasaysayan ng boxing. Maaari pa nga itong maging “fight of the century”.