TUWANG-TUWA si Alex Gonzaga na nabigyan siya ng pagkakataon na maging bida sa Maalaala Mo Kaya na napanood kagabi. Sa dinami-dami nga naman ng Kapamilya stars na nangangarap maging bida sa MMK ay nabigyan siya ng pagkakataon na maipalabas ang talento niya sa larangan ng drama.

“Maganda ang papel na ko. Si Celine ang character ko, na nangarap na magkaroon ng perfect wedding, ‘tapos kung ilang beses na rin siyang nagkamali sa pagpili ng lalaki then na-realize niya through time na mas importante ang marriage kaysa wedding sa pagsasama ng couple,” sey ni Alex.

Si Matteo Guidicelli ang leading man ni Alex sa MMK at naging maganda ang working relationship nila.

“Kami naman ni Matteo, eh, matagal na rin naman kaming magkaibigan. Masayang kasama siya. Dahil matagal na nga kaming magkaibigan, eh, parang ano lang, ‘yun bang magkaibigan na nagtratrabaho ang naramdaman namin at wala kaming ilangan,” sey pa rin ni Alex.

Rep. Chua, itinangging naungkat ang 'impeachment' sa kanilang fellowship sa Malacañang

Wala silang naging problema sa anumang ipinapagawa sa kanila ng direktor nila.

“It’s easy, kasi hindi ako ilang sa kanya dahil friends nga kami. Ayaw ko lang nga ‘yung kissing scene. Hindi ako ilang kasi kilala ko na siya at alam naman namin na ang personal na buhay namin sa isa’t isa, so walang ilangan talaga,” banggit pa rin ng isa sa mga dalaga ni Mommy Pinty.

Ayaw magkomento ni Alex tungkol sa proposal o engagement rumors ng ate niyang si Toni Gonzaga kay Direk Paul Soriano.

“Let’s just wait na lang for the right time,” sey niya agad.

Samantala, ipinagmamalaki ni Alex na abalang-abala rin siya ngayon bilang writer. Ang libro niyang Dear Alex, Break na Kami, Paano? ay isa sa mga best-seller ngayon sa bookstores.

“It’s our sixth printing. Mga more than 70,000 copies sold and were coming out with a hardbound edition. ‘Tapos ‘yung book two namin, I think this year na naman uumpisahan,” excited na kuwento niya.