Nagbukas ang Philippine National Police ng isang bank account para sa 44 na namatay at 14 na nasugatang miyembro ng Special Action Force sa sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao.

Ang account ay binuksan sa Land Bank of the Philippines na may account na “PNP Special Assistance Fund” at account number 1862-1027-77.

“Donors may contact/text PCINSP Renate F. Pinuela of the Directorate for Comprollership at mobile number 09178576020″, paskil ng @PNPhotline sa Twitter.

Sa kanyang sympathy speech delivered sa Camp Bagong Diwa sa Taguig noong Biyernes, hiniling ni President Benigno Aquino III, sa mga Pilipino na suportahan at kilalanin ang kabayanihan ng 44 na namatay na police commando.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20