Hindi sukat-akalain na ang “pakikialam” ng isang ama ang maglalagay sa alanganin sa kanyang buhay matapos siyang saksakin ng bunsong anak na may diperensiya sa pag-iisip nang pagsabihan niya itong itigil na ang pagte-text at matulog na sa loob ng kanilang bahay sa Pasay City noong Huwebes ng gabi.

Agad dinala ng kaanak sa pagamutan si Rommel Villanuac, 47, mananahi, ng 613 Teacher’s Bliss Condominium 1, Merville, dahil sa ilang tama ng saksak sa katawan.

Dahil sa insidente, dadalhin sa isang mental institution ang 23-anyos niyang anak na lalaki.

Sa ulat na tinanggap ni Pasay City Police chief Senior Supt. Sidney Sultan Hernia, dakong 11:30 ng gabi nangyari ang pananaksak sa loob ng tirahan ng pamilya Villanuac.

National

Pagkaltas sa budget ng edukasyon at kalusugan, 'di magandang pamasko —Aquino

Abala umano sa pagte-text ang suspek nang sitahin siya ng ama at sabihang matulog na.

Sa halip na sundin ang ama, dumampot ng kutsilyo sa kusina ang nagalit na suspek at ilang beses na sinaksak ang ama.