ANTIPOLO CITY - Patay ang isang pahinante at tatlong iba pa ang malubhang nasaktan matapos na mahulog sa isang sapa sa Barangay San Luis, Antipolo City, Rizal ang truck ng basura na kanilang sinasakyan nitong Huwebes.

Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Bernabe Balba, ang nasawi ay si Jerry Olivario, ng Bgy. San Luis, Antipolo City, habang sugatan naman sina Roger Agnete, nasa hustong gulang, ng Sitio Kaybagsik, Bgy. San Luis; Alexander Arevalo, 22, ng Bgy. Dela Paz, Antipolo City; at Jericho Ruiz, 17, ng Bgy. San Isidro, Antipolo City.

Ang driver naman ng truck, ng International Solid Waste Integrated Specialist, ay kinilalang si Raul Leano, 41, may asawa, ng 607 Valdez Street, Valenzuela City.
National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin